Pulis na nagpaputok ng baril sa Malabon, nadisarmahan na — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Under restrictive custody na ng Philippine National Police (PNP) ang isang tauhan nito matapos magpaputok ng baril sa Malabon City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kabilang ang naturang pulis sa anim na naitala nilang kaso ng illegal discharge of firearm ngayong holiday season.

Sinabi ni Fajardo, nabatid na accidental firing ang nangyari sa naturang pulis subalit bilang bahagi ng protocol ay inilagay pa rin siya sa restrictive custody at nadisarmahan na rin.

Dahil dito, dalawa na ang pulis na naitalang iligal na nagpaputok ng baril kasama ang dalawang sundalo at dalawang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Patuloy naman ang paalala ng PNP sa mga gun owner, na maging responsable sa paggamit ng baril at huwag itong paputukin lalo na sa pagsalubong sa bagong taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us