QC LGU, tututukan ang sinasabing ammonia leak mula sa pagawaan ng yelo sa Barangay San Antonio

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan ng Quezon City Local Government Unit ang report ng ammonia leak mula sa isang pagawaan ng yelo sa Barangay San Antonio para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Tumulong na rin ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection sa imbestigasyon at humanap ng mga paraan para ito ay hindi na maulit sa hinaharap.

Base sa Quezon City Comprehensive Zoning Code of 2016, ang planta ay nasa ilalim ng Low Intensity Industrial Zone.

Pinapayuhan naman ng Quezon City Health Department ang mga residente na kung maaari ay umiwas muna sa lugar, at nang hindi malanghap nang matagal ang ammonia.

Kung sakaling ma-expose dito, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital kung makaranas na ng mga sintomas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us