Aprubado na ng Kamara ng House Resolution 1499 o resolusyon na humihimok sa National Telecommunications Commission na suspindihin muna ang operasyon ng SMNI habang iniimbestigahan ang mga paglabag nito sa franchise agreement.
Ayon kay PBA party-list Rep. Margarita Nograles, nasa labing apat na paglabag ang kaniyang natukoy.
Ilan sa mga ito ang pagpapakalat ng maling balita, paglipat ng controlling interest na walang pag-apruba ng Kongreso pati ang paglabag sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Broadcast Code.
Umaasa naman si Nograles na sa pag-apruba na ito ay tingnan talaga ng NTC ang mga posibleng paglabas na ito ng naturang network.
“Again let me clarify, this resolution is to urge NTC to suspend the franchise because there are possible violations in the franchise itself, mismo, yung prangkisang binigay nila. Pero unti-unti natinng nakikita na hindi lang sa prangkisa nula yung may kalabagan sa batas, ang constitution, mukhang pati ang KBP, at kanina napakita ko naman mukha rin po ang SEC. Kaya po sana nga po tignan ng NTC ito dahil nasa power naman nila to suspend the permits and the licenses po na binigay nila and we can only urge them, with the separation of powers.” Sabi ni Nograles sa isang ambush interview.
Nilinaw din ng lady solon na walang halong politika ang paghahain niya ng resolusyon.
Aniya ang paghimok na ito sa NTC ay dahil sa lumabas na paglabag ng media network.
Kaya payo nito sa publiko na huwag magpadala sa misinformation.
“Kaya yung resolution solely talaga to urge NTC to suspend muna natin kasi mukhang may nakikita tayong violations e. Bakit tayo papayag na may lumalabag pala sa batas at ipa-continue po natin…E lam kong maraming mga marites at tsismosa diyan, gumagawa ng issue, na nagpapa-away na wala namang away, again wag tayong magpadala sa misi nformation walang bahid ng politiko totalagang nakita nyo naman ginagawa ko naman yung trabaho tsaka due diligence. Mukha talagang may mga kalabagan sa batas so yun lang naman po.” Diin ni Nograles. | ulat ni Kathleen Jean Forbes