San Juan LGU, magsasagawa ng New Year’s countdown at fireworks display

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang kanilang mga kababayan na manood at makiisa sa isasagawang New Year’s Countdown at Fireworks Display sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, pagkakataon na ito para sa mga pamilyang San Juaneño na magsama-sama sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Isasagawa ang nasabing countdown sa Pinaglabanan Shrine ganap na alas-10 ng gabi at katatampukan ng iba’t ibang mga mang-aawit at panauhin.

Susundan naman ito ng magarbong fireworks display na inisyatiba ng pamahalaang lungsod upang hikayatin ang mga mamamayan nito na huwag nang gumamit ng mga paputok upang makaiwas sa anumang disgrasya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us