Aarangkada na bukas ang pamamahagi ng Pamaskong Handong ng Pamahalaan Lungsod ng San Juan para sa kanilang mga residente.
Ang nasabing ‘Pamaskong Handog’ ay Christmas gift ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng lungsod upang maipadama ang diwa ng Pasko.
Ito ay naglalaman ng bigas, noodles, spaghetti sauce, at iba’t ibang delata.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kasalukuyan ng ipinamamahagi ang mga ticket sa iba’t ibang barangay.
Paalala naman ng alkalde na sundan ang schedule na nakasaad sa ticket kung saan nakalagay ang araw at oras na ipamamahagi ang holiday gift pack.| ulat ni Diane Lear