Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng pagbaba ng binibili nilang kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Dahil dito, 80 sentimos kada kilowatt hour ang mababawas sa monthly bill ng mga household sa ilalim ng franchise area ng MERALCO.

Katumbas ito ng P159 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour habang papalo naman sa P398 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.

Bagaman good news ito para sa mga konsyumer, nananatili pa rin ang paalala ng power distributor na magtipid at maging responsable sa konsumo ng kuryente lalo na ngayong holiday season. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us