Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino na ituon ang pagdiriwang ng Pasko sa pagmamahal, kagandahang-loob at pagmamalasakit sa kapwa.
Sa kaniyang Christmas message, ipinaalala ng lider ng Kamara na ang Pasko ay panahon upang muling iparamdam ang kahalagahan ng pamilya.
Hindi lamang din aniya ito panahon ng pagbibigay ng regalo kundi panahon din ng pagpapakita ng kagandahang-loob at pagmamalasakit sa kapwa.
Hinimok din ng lider ng Kamara ang bawat isa na sa paparating na Bagong Taon ay magkaisa at magmahalan.
“May this Christmas be a time of joyous family reunions, selfless giving, and strengthened community bonds. Together, let’s carry this spirit of unity and love into the New Year,” ani Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes