Nakikiramay at nakidalamhati si Speaker Martin Romualdez sa pamilya ng sundalong nasawi at mga nasugatan sa sagupaan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga rebeldeng komunista sa Batangas.
“I extend my deepest sympathies to the family of our soldier who bravely gave his life in the line of duty in Balayan, Batangas. We also keep in our thoughts those who were wounded in this incident, and we join the Executive Department in assuring their families of the government’s full support during this difficult time,” ani Speaker Romualdez.
Aniya ang pagkasawi ng sundalo ay isang paalala sa kanilang sakripisyo para mapanatili ang seguridad ng bansa.
Ipinapakita rin aniya nito ang mga hamon sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa bansa.
Panawagan pa ng lider ng Kamara sa mga rebelde na iwan at iwaksi na ang karahasan at magbalik-loob na sa pamahalaan.
Pagsiguro pa ni Speaker Romualdez na tutulong ang gobyerno para magkaroon ng isang mapayapang pagbabalik sa lipunan ang mga pipili ng landas na ito.
“In this light, I earnestly appeal to the insurgents to consider the broader implications of their actions on our country and its people. I urge them to abandon the path of violence and to rejoin the fold of the law,” wika pa ni Speaker Romualdez.
“Our vision for a peaceful and prosperous Philippines can only be realized through collective efforts and a commitment to dialogue and understanding. Let us all work towards building a nation where every citizen can live in peace and pursue their aspirations without fear,” sabi pa ng House Speaker.
Nangyari ang engkwentro dakong alas-2 ng madaling araw ng Linggo sa Barangay Malalay sa pagitan ng magkasanib na pwersa ng 59th Infantry Battalion ng Army, kasama ang mga tropa mula sa Philippine Navy at Philippine Air Force.
Isa ang nasawing sundalo at may 3 na sugatan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes