Nakipag-partner na rin sa Social Security System (SSS) ang Bureau of Customs (BOC) – Region IX para mabigyan ng sapat na social security coverage ang kanilang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service.
Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at BOC Region IX Acting Chief for Administrative Division Lelisa R. Gaceta ang paglagda sa memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program.
Sa ilalim nito, irerehistro ng SSS ang mga JO at COS workers ng BOC IX bilang self-employed members nang makapag-remit na sila ng kontribusyon at makakuha ng benepisyo sa ilalim ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) Programs.
Inaasahang aabot sa 16 Job Order (JO) at Contract of Service (COS) workers ng naturang ahensya ang makikinabang sa programa.
Bukod sa BOC, maging ang Philippine Port Authority – Port Management Office sa Zamboanga City ay lumagda rin ng kaparehong kasunduan sa SSS.| ulat ni Merry Ann Bastasa