Muli na namang nagsagawa ng operasyon ang bagong buong ‘Strike Force’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.
Pinangunahan ito ni MMDA Special Operations Task Group Officer-In-Charge Gabriel Go kung saan, samu’t saring paGlabag sa batas trapiko ang kanilang nasita.
Ilan sa mga ito ay mga naka-motorsiklong may angkas na naka-tsinelas, driver na nagmamaneho ng coding na sasakyan, sasakyang bumibiyahe na walang plaka at driver na walang lisensya.
Dahil dito, pinagmulta ng P500 ang nakamotorsiklo na may angkas na nakatsinelas gayundin sa driver na nagmamaneho ng coding na sasakyan habang P150 naman sa sasakyang bumibiyaheng walang plaka.
Isang motorista na naka-sandalyas at walang lisensya rin ang natiyempuhan ng MMDA kaya’t nadagdagan pa ang multa nito at umabot pa sa P1,250 piso. | ulat ni Jaymark Dagala