Supply vessel ng Atin Ito, tagumpay na nakarating sa Isla ng Lawak sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narating ng M/L Chowee, ang supply vessel ng Atin Ito, ang isla ng Lawak sa West Philippine Sea kaninang alas-singko ng mg madaling araw.

Inihayag ito ni Emman Hizon ng Atin Ito na nag-organisa ng Civilian Christmas Convoy ng mga sibilyan na sinubukang magtungo sa Ayungin, Lawak at Patag Islands sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, kasalukuyang ibinababa na ang donasyon at supplies sa nasabing isla sa tulong na rin ng mga tropa ng sundalong Pilipino na nasabing isla.

Matatandaan na naka schedule ang Christmas Convoy ng December 10 hanggang 12, subalit dahil sa magkasunod na insidente ng panghaharass ng Chinese Coastguard at Chinese Militia vessels nitong nakaraang araw ng Sabado at Linggo sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal, at sa presensya na rin ng nasabing mga barko na nakasunod sa pangunahing barko ng grupo na T/S Kapitan Felix Oca ay nagdesisyon ang grupo na bumalik na lamang sa San Fernando, El Nido Palawan matapos ang ilang oras lamang na paglalayag sa WPS kahapon.  | ulat ni Lyzl Pilapil | RP1 Palawan

Photo: Atin Ito

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us