Tuloy-tuloy sa pamamahagi ang Taguig LGU ng noche buena packages para sa mga residente nito ngayong magpapasko bilang bahagi ng “Pamaskong Handog” program ng lungsod.
Bawat “Pamaskong Handog” ay naglalaman ng grocery items na may canned goods, keso, pancake mix, fruit cocktail, chocolate biscuits, pasta, spaghetti sauce, at 10 kilos ng bigas.
Sa ika-pitong araw ng pamamahagi na isinagawa sa Silangan Elementary School, Upper Bicutan ngayong araw, personal na nagtungo si Mayor Lani Cayetano upang ipamahagi ang mga Pamaskong Handog packages na nagdala ng ngiti sa mga Taguigeño.
Habang kahapon, ang mga senior citizens, persons with disabilities, at mga buntis ay natanggap ang kanilang mga grocery package sa kaginhawahan ng kanilang sariling mga tahanan.
Para sa schedule ng pamamahagi ng Pamaskong Handog sa lungsod Taguig, maaring bumisita sa Facebook Page ng lungsod na I Love Taguig o magpunta sa Barangay Affairs Office (BAO) sa inyong mga barangay. | ulat ni EJ Lazaro