Nakilala na ng Department of Transportation ang taxi driver na nag-viral kamakailan sa social media matapos maningil ng P10,000 sa isang Taiwanese national sa airport.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, bukod sa pagkakakilanlan ng driver ay natukoy na nila ang operator ng naturang taxi na minamaneho nito.
Kaugnay nito, inatasan na ng DOTr ang LTFRB na maglunsad ng manhunt operation upang matunton ang naturang taxi driver at mapanagot sa batas. | ulat ni AJ Igancio