Balik na sa normal ang operasyon ng isang transmission line facility na naapektuhan ni bagyong #KabayanPH.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hanggang alas 5 kaninang hapon, ganap nang naibalik ang operasyon ng Bislig-Baganga 69kV Line 1 sa Brgy. Kinablangan sa Baganga, Davao Oriental.
Ang nasabing transmission line ang nagsu-suplay ng kuryente sa Davao Oriental Electric Cooperative, Inc (DORECO).
Nilinaw ng NGCP na lahat ng pasilidad nito sa ngayon ay nasa normal na operasyon.| ulat ni Rey Ferrer