Nagpaabot ng taos pusong pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko.
Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, nagpasalamat ito sa mga sundalo, pulis, bumbero, doctor, nurses, iba pang health workers, disaster response at emergency personnel, quick response teams, at iba pa na nagdiriwang ng Pasko na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa trabaho.
Binigyang pagkilala rin ni VP Sara ang kahandaang magsakripisyo ng mga frontliner para sa Diyos, ating bansa, at sa kanilang mga pamilya.
Ito aniya ay nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at katatagan. | ulat ni Diane Lear