Vice President Sara Duterte, nasa Cebu ngayong araw para sa sunod-sunod na aktibidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sunod-sunod na aktibidad ang nakahanay para kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kabila ng holiday ngayong araw.

Sa katunayan, nasa Lungsod ng Naga sa Cebu ang Pangalawang Pangulo para sa serye ng mga aktibidad.

Kabilang na rito ang pamamahagi ng pamaskong handog sa Enan Chiong Acitivity Center kung saan, inaasahang maaabutan ang nasa isang libong benepisyaryo kabilang na ang mga nakatatanda at may kapansanan.

Sunod namang tutungo si VP Sara sa Tuyan – Central Elementary School para sa Mag Negosyo Ta ‘Day para maggawad ng parangal.

Matapos nito, tutulak naman ang Pangalawang Pangulo sa Naga City Hall sa Cebu pa rin para saksihan ang isang blood letting activity doon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us