Visayas Command, patuloy ang pagsugpo sa mga teroristang komunista sa Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa mga teroristang komunista sa iba’t ibang rehiyon sa Visayas.

Ito ang naging pahayag ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, ang commander ng Visayas Command kahit pa man sa iniulat na exploratory talks.

Bukod dito, dagdag ni Arevalo na magpapatuloy din ang kanilang localized peace engagement sa mga komunidad.

Iniulat ng Visayas Command na sa buwan ng Nobyembre, nasa 15 mga government-initiated armed encounters ang kanilang naitala kung saan 8 ang namatay, 69 ang sumuko.

Karamihan sa mga sumuko ay mula sa Eastern Visayas (44) at nasa 25 naman ang sa Western Visayas.

Nakuha mula sa kanila ang 7 anti-personnel mines at 38 mga armas.

Patuloy pa din ang panawagan ni Arevalo sa iba pang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA sa rehiyon na sumuko na at magbalik loob sa gobyerno. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us