Dumalaw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Metro Bacolod District Jail sa Bacolod City.
Ito ay upang maghatid ng tulong at kumustahin ang mga PDL ngayong Kapasukuhan.
Ayon kay VP Sara, inatasan niya ang Office of the Vice President Satellite Office Lead na magkaroon ng abogado na maaaring hingan ng tulong ng mga PDL sa naturang kulungan.
Sa mensahe naman ng Pangalawang Pangulo, binigyan diin nito sa mga PDL ang kahalagahan ng edukasyon at ito sana ay ipaintindi sa kanilang mga anak.
Hinikayat din nito ang mga PDL na mag-enroll sa Alternative Learning System ng Department of Education upang mabigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral para sa kanilang paglabas aniya ay may oportunidad sila na makapagtrabaho.
Nagpasalamat naman ang Pangalawang Pangulo sa Bureau of Jail and Management Penology sa pagkakataon na siya ay makabisita sa nasabing kulungan. | ulat ni Diane Lear