Sen. Gatchalian, tiniyak na mapupunan sa 2024 national budget ang kakulangan sa pondo ng libreng kolehiyo sa SUCs

Tiwala si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na tugon sa kakulangan ng pondo para sa libreng matrikula sa mga state universities and colleges (SUCs) ang bagong kapapasang 2024 national budget. Ang tinatayang deficiencies o kakulangan para sa free higher education ay aabot ng P4.1 billion. Habang batay naman sa impormasyon ng Philippine… Continue reading Sen. Gatchalian, tiniyak na mapupunan sa 2024 national budget ang kakulangan sa pondo ng libreng kolehiyo sa SUCs

Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

Mas maiging iakyat na sa Korte Suprema ang kuwestyon hinggil sa legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget. Ito ang sinabi ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, matapos maging epektibo ang P5.768 trillion 2024 budget nitong January 1 kung saan kasama ang nasa P449.5 billion na unprogrammed fund. Ang halaga umano… Continue reading Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

Visayas Grid, itinaas sa “Yellow Alert” matapos ang multiple tripping sa ilang power plants sa Panay Island

Itinaas na sa yellow alert status mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ang Visayas grid matapos ang multiple power plant tripping sa ilang planta ng kuryente sa Panay Island. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, namonitor ang pag-trip off ng Panay Energy Development Corporation o PEDC unit 1 pasado alas-12:00… Continue reading Visayas Grid, itinaas sa “Yellow Alert” matapos ang multiple tripping sa ilang power plants sa Panay Island

Operasyon ng MMDA Special Operations Group sa EDSA Bus Lane, ipinagpatuloy ngayong araw

Muling umarangkada ang operasyon ng MMDA Special Operations Group-Strike Force sa kahabaan ng EDSA ngayong ikalawang araw ng Bagong Taon. Partikular na binantayan ng MMDA ang Pioneer Southbound, EDSA Megamall Northbound, at Ortigas flyover Northbound para sa pagpapatupad ng EDSA Bus Lane policy. Umabot sa 69 na hindi awtorisadong sasakyan ang nahuling dumadaan sa EDSA… Continue reading Operasyon ng MMDA Special Operations Group sa EDSA Bus Lane, ipinagpatuloy ngayong araw

Pagbabawal sa pagdadala ng mga alagang hayop sa loob ng mga kainan, ipinapanukala sa Kamara

Isang panukala ang inihain sa Kamara para ipagbawal na ipasok sa loob ng mga restaurant at iba pang kainan ang mga alagang hayop gaya ng pusa at aso. Sa House Bill 9570 o Pets in Food Establishments Act na inihain ni Kusug Tausug Party-list Rep. Shernee Tan-Tambut, pagbabawalan ang pagdadala ng alagang hayop sa loob… Continue reading Pagbabawal sa pagdadala ng mga alagang hayop sa loob ng mga kainan, ipinapanukala sa Kamara

Sen. Villanueva, pinatitiyak na maayos ang koordinasyon sa pagpapatupad ng utos na i-dissolve ang senior high school sa SUCs at LUCs

Nanawagan si Senate Majority leader Joel Villanueva sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na tiyaking magkakaroon sila ng maayos na koordinasyon sa kondisyon ng mga estudyanteng maaapektuhan ng kautusan sa state at local universities and colleges na itigil na ang pagtanggap ng senior high school students. Sisimulan ang pagtigil ng… Continue reading Sen. Villanueva, pinatitiyak na maayos ang koordinasyon sa pagpapatupad ng utos na i-dissolve ang senior high school sa SUCs at LUCs

NHA, naglabas ng guidelines para pabilisin ang disposition ng pabahay

Nilagdaan na ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang isang amendment na magpapabilis sa paggawad ng unawarded lots o units sa iba’t ibang proyektong pabahay nito sa bansa. Sa ilalim ng Memorandum Circular, ang panahon para sa pagbibigay ng Notice to Apply at aktwal na aplikasyon ng mga benepisyaryo para sa mga… Continue reading NHA, naglabas ng guidelines para pabilisin ang disposition ng pabahay

ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, muling nanguna sa senatorial survey ng OCTA Research

Nanatili pa ring top choice ng mga botante si ACT-CIS Party-list Representative at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa mga nais nilang iboto sa 2025 Midterm election. Sa huling Survey ng OCTA Research nitong December 10 to 14, nakakuha si Tulfo ng 76% na sinundan ni Sen. Bong Go na may 53%, at dating Senate… Continue reading ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, muling nanguna sa senatorial survey ng OCTA Research

Paamahalaan, magpapatupad ng mga hakbang upang matuldukan ang terrorism financing

Pag-iigtingin pa ng pamahalaan ang mga ipinatutupad nitong hakbang upang maharang ang pagpasok sa bansa ng resources na layong pondohan ang mga terorista o anomang aktibidad na layong magdulot ng kaguluhan at takot sa publiko. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Matthew David na mayroong silang tatlong action items… Continue reading Paamahalaan, magpapatupad ng mga hakbang upang matuldukan ang terrorism financing

Pagkakaroon ng energy transition plan, binigyang diin ni Sen. Gatchalian

Ipinuntong muli ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na magkaroon ng energy transition plan ang Pilipinas sa gitna ng tumataas na panawagan para sa coal phaseout.  Ayon kay Gatchalian, kailangan ng bansa ng isang energy transition measure para ma-optimize ang ipapalit sa coal. Kaugnay nito, una nang inihain ng senador ang Senate Bill 157 o… Continue reading Pagkakaroon ng energy transition plan, binigyang diin ni Sen. Gatchalian