Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim sa review ang komposisyon at kakayanan ng mga commissioner ng CHED. Bunsod pa rin ito ng anunsyo ng ahensya na natapos na ang otorisasyon at funding ng mga state universities and colleges para mag offer ng senior high… Continue reading Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

Naglabas ng “safety tips” ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga debotong lalahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno, bukas. Paalala ng PRC sa publiko, maging alerto at gawing prayoridad ang kanilang kaligtasan. Ayon sa Red Cross, mainam na magsuot ng face mask, dumistansya sa makapal na bilang ng tao, at mag-sanitize gamit ang… Continue reading Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

Mga estudyante ng Sarrat National High School, nagkampeon sa World International Mathematical Olympiad sa Malaysia

Muling nagwagi ang mga estudyante ng Sarrat National High School (SNHS) mula sa bayan ng Sarrat Ilocos Norte ng International Mathematical competition sa katatapos na laban sa Kuala Lumpur Malaysia na ginanap noong Enero 5-8, 2024. Ang World International Mathematical Olympiad (WIMO) na sinalihan ng 243 qualifiers mula sa 40,000 competitors ng Thailand International Mathematical… Continue reading Mga estudyante ng Sarrat National High School, nagkampeon sa World International Mathematical Olympiad sa Malaysia

Pagsasapubliko ng Japanese tunnel sa Camalig, Albay, pinaghahandaan na ng LGU

Mas pinaigting ngayon ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay ang pagbubukas ng mga iba’t ibang destinasyon na maaaring makatulong sa pag-usbong ng turismo hindi lamang sa bayan kundi pati na rin buong lalawigan ng Albay. Nagsagawa ng malawak na pagmamapa sa pangunguna ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. katuwang ang Tourism and Cultural… Continue reading Pagsasapubliko ng Japanese tunnel sa Camalig, Albay, pinaghahandaan na ng LGU

DA Sec. Laurel, nakipagpulong sa meat traders

Nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa ilang meat traders sa bansa sa pangunguna ng Meat Importers and Traders Association (MITA). Kabilang sa dumalo sa pulong si MITA President Jess Cham na ginanap sa tanggapan ng DA noong January 3. Sa naturang pulong, hinikayat ni Sec. Laurel ang mga kinatawan ng MITA na… Continue reading DA Sec. Laurel, nakipagpulong sa meat traders

Higit 30,000 starlink deployment, naitala ng DICT noong 2023

Patuloy na pinalalawak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang connectivity sa bansa. Kabilang rito ang naging inisyatibo sa deployment ng commercially available satellite technology na SpaceX na hindi lang kauna-unahan sa Pilipinas kundi maging sa buong Asian region. Ayon sa DICT, mula nang ilunsad ang SpaceX sa bansa, mayroon nang 30,000 deployments… Continue reading Higit 30,000 starlink deployment, naitala ng DICT noong 2023

EcoWaste, nanawagan sa mga deboto na panatilihing ‘smoke- at litter-free’ ang Traslacion 2024

Umaapela ang environmental watchdog group na EcoWaste Coalition sa mga debotong makikiisa sa Traslacion 2024 na sumunod sa “no smoking, no littering” policy sa Rizal Park kung saan nakaiskedyul ang mayorya ng aktibidad para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno kabilang na rito ang tradisyonal na ‘Pahalik.’ Sa ilalim ng RA 9003, ipinagbabawal ang paninigarilyo… Continue reading EcoWaste, nanawagan sa mga deboto na panatilihing ‘smoke- at litter-free’ ang Traslacion 2024

Pamahalaan, naglaan ng tuition subsidy para sa Senior High students na lilipat sa private schools dahil sa pagpapahinto ng SHS sa SUCs

Maaaring lumipat sa mga pribadong paaralan ang mga estudyante na maaapektuhan ng pagpapahinto ng Senior High School (SHS) programs sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs). Ayon kay Makati City Representative Luis Campos Jr., vice chairperson ng House Committee on Appropriations, mayroong ₱27.8-billion na tuition subsidy sa 2024 National… Continue reading Pamahalaan, naglaan ng tuition subsidy para sa Senior High students na lilipat sa private schools dahil sa pagpapahinto ng SHS sa SUCs

Mga business at tricycle license plate sa Polangui, Albay, inspirasyon ang “Love the Philippines” logo ng DOT

Inspirasyon ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Polangui Albay ang “Love the Philippines” logo ng Department of Tourism sa kanilang isinusulong na business at tricycle license plates. Ayon kay Polangui Mayor Raymond Adrian Salceda, ang nasabing programa ay paraan at inisyatibo ng kanilang lokal na pamahalaan para sa pagsuporta sa kampanya ng Department of… Continue reading Mga business at tricycle license plate sa Polangui, Albay, inspirasyon ang “Love the Philippines” logo ng DOT

Kamara, handang tumulong sa DSWD para tugunan ang posibleng money laundering activities sa ilang social welfare providers

Bukas ang Kongreso na tulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maresolba ang isyu ng money laundering at tuluyang maalis ang Pilipinas sa “gray list” ng Financial Action Task Force (FATF) pagsapit ng Oktubre 2024. Ito ang inihayag ni Deputy Minority leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera kasunod ng atas… Continue reading Kamara, handang tumulong sa DSWD para tugunan ang posibleng money laundering activities sa ilang social welfare providers