Pagbida ng mas maraming Pinoy agri-products sa Japan, itinutulak ng DA

Tina-target ng Department of Agriculture (DA) na mapalawak pa sa taong ito ang Pinoy agricultural products na maibida sa food market ng bansang Japan. Ayon sa DA, nang samahan ni Agriculture Secretary Kiko Laurel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Japan noong nakaraang buwan, nagkaroon ito ng pagkakataon na makipag-usap sa… Continue reading Pagbida ng mas maraming Pinoy agri-products sa Japan, itinutulak ng DA

Pagtatakda ng SRP sa bigas, pinaboran ng mga mamimili

Suportado ng ilang mamimili ang ikinukonsidera ng Department of Agriculture (DA) na pagtatakda ng Suggested Retail Price o SRP sa bigas. Ito’y kasunod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas mula pa noong Disyembre. Ayon pa sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang rice inflation ay tumaas sa pinakamabilis na antas sa loob ng 14… Continue reading Pagtatakda ng SRP sa bigas, pinaboran ng mga mamimili

Sikat na pili products ng mga Bicolano, idineklara ng European Commission bilang novelty food sa European market

Ayon kay DTI Bicol Regional Director Dindo G. Nabol, ang sikat pili products ng mga Bicolano, idineklara na  bilang novelty food sa European Market ng European Commission.  Sabi ng opisyal  ang mga produktong ito ay papayagan ng makapasok sa European Market. Diin niya, isa itong malaking oportunidad sa mga pili farmers at processors sa rehiyon.… Continue reading Sikat na pili products ng mga Bicolano, idineklara ng European Commission bilang novelty food sa European market

PNP, may sapat na tauhan para tiyakin ang seguridad ng pagbisita ni Indonesian Pres. Joko Widodo at ng Traslacion ng Itim na Nazareno

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na may sapat silang tauhan para tutukan ang dalawang mahahalagang okasyon sa bansa ngayong buwan. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kasunod ng isasagawang Traslacion ng Itim na Nazareno at ang pagbisita ni Indonesian President Joko Widodo bukas, January 9. Paliwanag ni… Continue reading PNP, may sapat na tauhan para tiyakin ang seguridad ng pagbisita ni Indonesian Pres. Joko Widodo at ng Traslacion ng Itim na Nazareno

MMDA, hihilingin sa LTO na bawiin ang lisensya ng driver na bumundol sa traffic enforcer matapos dumaan sa busway

Hihilingin ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) na i-revoke o bawiin ang lisensya ng driver ng kotseng nagtangkang tumakas dahil sa pagdaan sa ESDA Busway. Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, matapos ang ginawa nilang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente kahapon ng umaga. Ayon… Continue reading MMDA, hihilingin sa LTO na bawiin ang lisensya ng driver na bumundol sa traffic enforcer matapos dumaan sa busway

₱7-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy

Nahuli ng Philippine Navy ang isang motorized banca na may kargang ₱7-milyong pisong halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province nitong Sabado. Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao Commander, Commodore Carlos Sabarre, nagsasagawa ng Maritime patrol ang BRP Rafael Pargas (PC379) sa ilalim ng Naval Task Force 71 nang ma-intercept nila… Continue reading ₱7-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy

Mataas na lider-komunista, nutralisado sa enkwentro sa Borongan

Na-nutralisa ng mga tropa ng 78 Infantry “Warrior” Battalion ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division ng Philippine Army ang isang mataas na lider-komunista sa enkwentro sa Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado. Kinilala ni 8ID Public Affairs Office Chief Captain Jefferson Mariano ang nasawing terorista na si Martin Colima Alias Moki, ang secretary… Continue reading Mataas na lider-komunista, nutralisado sa enkwentro sa Borongan