Dagdag na alternative working scheme, panawagan ng House labor panel chair

Nanawagan si House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles sa pamahalaan na maglatag ng iba pang alternative working scheme. Ito ay sa gitna ng pagbaba ng labor force participation. Batay kasi sa ulat ng Philippine Statistics Authority, mula sa 67.5% ay bumaba sa 65.9 percent ang labor force participation noong November 2022. Ang… Continue reading Dagdag na alternative working scheme, panawagan ng House labor panel chair

Mas ligtas at maginhawang biyahe, pangako ng LRTA matapos ang ginawang rehabilitasyon sa kanilang power rectifier

Tiniyak ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang sapat na power suplay sa buong linya ng LRT line 2 kaya’t asahan na ang magandang takbo ng mga tren nito. Ayon sa LRTA, ito’y matapos ang isinagawang rehabilitasyon sa Rectifier Substations 5 at 6 na napinsala ng sunog noong 2019. Kasabay nito, inihayag ng… Continue reading Mas ligtas at maginhawang biyahe, pangako ng LRTA matapos ang ginawang rehabilitasyon sa kanilang power rectifier

Presyo ng gulay sa Kalentong Market sa Mandaluyong, bumaba pa ng hanggang ₱5

Nananatiling mababa ang presyo ng gulay partikular na ang mga highland vegetables sa Kalentong Market sa Mandaluyong City na buhat pa sa Benguet at Ifugao. Gayunman, dumaraing na ang mga nagtitinda dahil napakatumal ang bentahan ng itinitinda nilang gulay sa kabila ng napakaraming suplay nito. Sa pag-iikot ng Radyo PIlipinas, ibinahagi ng mga nagtitinda na… Continue reading Presyo ng gulay sa Kalentong Market sa Mandaluyong, bumaba pa ng hanggang ₱5

Mahigit 41K kilo ng gulay, naibenta ng Kadiwa stores at kooperatiba sa Region 2 bilang pagpapatupad ng DA Buying Rescue Program

Nagpapatuloy sa pagtulong ngayon ng DA RFO2 sa pamamagitan ng kanilang ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), Research Centers and Experiment Stations (RCES), at mga kooperatiba sa pagbili at pagbebenta ng mga aning repolyo, Chinese petchay at ilan pang mga produktong agrikultura ngayong may oversupply nito. Sa monitoring ng AMAD para isang linggo pag-… Continue reading Mahigit 41K kilo ng gulay, naibenta ng Kadiwa stores at kooperatiba sa Region 2 bilang pagpapatupad ng DA Buying Rescue Program

LTFRB, itinangging mawawalan ng byaheng jeepney sa rutang Cubao-Divisoria dahil sa PUV Modernization Program

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi mawawalan ng mga bibiyaheng pampasaherong jeep sa rutang Cubao-Divisoria pagsapit ng Pebrero. Ito’y kahit pa sisimulan na sa February 1 ang hulihan at ituturing na colorum ang mga ‘unconsolidated PUV.’ Sa isang pahayag, nilinaw ng LTFRB na mayroon nang mga jeepney operator ang nakapag-consolidate… Continue reading LTFRB, itinangging mawawalan ng byaheng jeepney sa rutang Cubao-Divisoria dahil sa PUV Modernization Program

Regional Crop Protection Center ng DA RFO2, nagbabala sa mga magsisibuyas laban sa onion armyworm

Nakatutok ngayon ang Department of Agriculture Regional Field Office 02 sa pamamagitan ng Regional Crop Protection Center (RCPC)sa mga sakahan ng sibuyas sa rehiyon matapos ang napaulat na paglaganap ng onion armyworm sa ilang lugar sa Kapaya, Nueva Vizcaya. Kamakalawa, nang personal bisitahin ng mga kawani ng RCPC ang ilang sakahan sa Pinayag, Kayapa, Nueva… Continue reading Regional Crop Protection Center ng DA RFO2, nagbabala sa mga magsisibuyas laban sa onion armyworm

‘Walang Tulugan, Serbisyo Caravan,’ alok ng Malabon LGU ngayong araw

Isang 24/7 serbisyo caravan ang iniaalok ngayon ng Malabon local government. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval. Tinawag itong ‘Walang Tulugan, Serbisyo Caravan’ kung saan kasama sa iaalok ang iba’t ibang klaseng serbisyong medikal. Ayon sa LGU, Dental at Reproductive Health Caravan ang hatid sa Potrero, Catmon, Longos,… Continue reading ‘Walang Tulugan, Serbisyo Caravan,’ alok ng Malabon LGU ngayong araw

Ilang lugar sa QC, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig dahil sa maintenance activities ng Maynilad

Makararanas ng water interruption ang ilang customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Quezon City simula mamayang gabi. Sa abiso ng Maynilad, regular na muli itong magsasagawa ng maintenance activities para mapanatili ang maayos na kundisyon ang kabuuang distribution system sa West Zone. Kabilang sa inaasahang maapektuhan ay ang Barangay Talipapa at Ugong simula mamayang… Continue reading Ilang lugar sa QC, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig dahil sa maintenance activities ng Maynilad

29 anti-personnel mine at mga bala, nasamsam ng mga sundalo sa CamNorte

Nasamsam ng tropa ng pamahalaan ang ilang mga kagamitan na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga Communist Terrorist Group (CTG) sa isang operasyon sa bahagi ng Labo, Camarines Norte. Sa datos mula sa 9th Infantry Division, Philippine Army, alas-5:30 ng umaga kahapon, January 14, nang madiskobre ng mga sundalo mula sa 9th Infantry Battalion ang ilang mga… Continue reading 29 anti-personnel mine at mga bala, nasamsam ng mga sundalo sa CamNorte

Dalawang mangingisda sa Eastern Samar na napaulat nawawala, na-rescue sa Southern Leyte

Ligtas na napadpad sa Brgy. Mercedes, bayan ng Silago, Southern Leyte kahapon ang mga mangingisdang taga-Giporlos, Eastern Samar na sina Junmar Fabillar at Anthony Doblon. Ayon sa Silago MPS na nagresponde sa insidente, ang dalawa ay na-rescue ng ilang residente malapit sa dalampasigan. Ang mga ito ay kaagad na inasikaso ng barangay at MDRRMO, at… Continue reading Dalawang mangingisda sa Eastern Samar na napaulat nawawala, na-rescue sa Southern Leyte