LTFRB, nilinaw na walang basehan ang bilang na 38,000 PUJ operators/drivers na umano’y mawawalan ng trabaho pagsapit ng Pebrero

Binigyang-linaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi aabot sa 38,000 PUJ operators at drivers ang mawawalan ng trabaho dahil sa PUV Modernization Program pagsapit ng February 1, 2024. Batay sa inilabas na datos ng LTFRB, nasa 97.18% ng mga confirmed PUJ units sa Metro Manila ang nakapag-consolidate na bilang bahagi ng… Continue reading LTFRB, nilinaw na walang basehan ang bilang na 38,000 PUJ operators/drivers na umano’y mawawalan ng trabaho pagsapit ng Pebrero

Ilang jeepney driver sa West Avenue, di sasali sa caravan ng Manibela bukas

Walang balak sumama ang mga jeepney driver na may biyaheng Delta-Panay-West Avenue sa panibagong transport caravan ng grupong MANIBELA bukas. Karamihan kasi ng mga tsuper dito, kahit na traditional jeepney ang minamaneho ay mga nakapag-consolidate na. Ayon kay Mang Bennie, walang dapat ipag-alala ang kanilang mga pasahero dahil tuloy lang ang kanilang pasada bukas. Kaugnay… Continue reading Ilang jeepney driver sa West Avenue, di sasali sa caravan ng Manibela bukas

House Tax chief, inaasahan na ang positibong epekto ng nakatakdang pagbisita sa bansa ng US Trade Mission sa Marso

Positibo ang pagtanggap ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa nakatakdang pagbisita sa bansa ng unang trade mission ng Amerika sa ilalim ng Biden administration. Batay sa anunsyo ng White House, sa Marso darating ang US Trade Mission. Ayon kay Saldeca, ipinapakita nito ang commitment ng U.S. sa pakikipagkaibigan at pagiging kaalyado… Continue reading House Tax chief, inaasahan na ang positibong epekto ng nakatakdang pagbisita sa bansa ng US Trade Mission sa Marso

Libreng VIP lounge para sa OFWs sa NAIA Terminal 1, magsisilbing legasiya ni PBBM bilang pasasalamat sa OFWs

Bilang tugon sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binuksan na ang 24/7 VIP Lounge para sa mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Personal na binisita ni Speaker Martin Romualdez ang naturang lounge kasama si OWWA Administrator Arnell Ignacio. “Now, our OFWs have a place to call their own in… Continue reading Libreng VIP lounge para sa OFWs sa NAIA Terminal 1, magsisilbing legasiya ni PBBM bilang pasasalamat sa OFWs

Red Cross, tiniyak ang kahandaan para umalalay sa isang buwang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu

Handa na ang mga tauhan gayundin ang mga kagamitan ng Philippine Red Cross (PRC) para umalalay sa mga awtoridad kaugnay ng isang buwang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu. Ayon kay PRC Chairperson at dating Senador Richard Gordon, aabot sa 200 tauhan nila ang ipinakalat buhat sa kanilang chapter sa Cebu, Lapu-Lapu, at Cordova kabilang… Continue reading Red Cross, tiniyak ang kahandaan para umalalay sa isang buwang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, iikutin ang ilog sa San Juan City ngayong araw

Nakatakdang mag-ikot ngayong araw ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa San Juan City river sa Barangay Batis. Ito’y para matukoy ang saklaw ng proyekto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na “Neighborhood Upgrading” gayundin ang pagpapaganda sa tabi ng San Juan River. Inaasahang mangunguna sa gagawing inspeksyon si Department of the… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, iikutin ang ilog sa San Juan City ngayong araw

Unang Command Conference ng taon ng Philippine Army, isinagawa nitong Sabado

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang unang Command Conference ng Philippine Army para sa taong ito, nitong Sabado sa Fort Bonifacio, Taguig City. Dito’y inilatag ni Lt. Gen. Galido ang kanyang komprehensibong Command Guidance sa lahat ng matataas na opisyal ng Philippine Army sa buong bansa sa pamamagitan ng video teleconference.… Continue reading Unang Command Conference ng taon ng Philippine Army, isinagawa nitong Sabado

Pagkakaaresto ng CIDG sa lider ng “Salas Criminal Gang,” pinuri ng PNP Chief

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagkakaaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa notorious na lider ng “Salas Criminal Gang” na si Ernesto Dumon Salas. Si Salas na Top 1 Most Wanted Person ng Region 12 ay nahuli sa manhunt operation sa Malabon City noong nakaraang linggo.… Continue reading Pagkakaaresto ng CIDG sa lider ng “Salas Criminal Gang,” pinuri ng PNP Chief