Ayon kay AKO Bicol Solon House Appropriation Chair Elizaldy S. Co, pinaghahandaan na ng kanyang tanggapan, katulong ang Department of Tourism V sa pamumuno ni Regional Director Herbie Aguas at ibang stake holders, ang kauna-unahing Bicol Loco Festival, sa Legazpi City Albay sa Buwan ng Abril ngayong taon. May inilaan ng pondo, ang kanyang tanggapan sa proyekto.
Isasabay sa festival, ang isang international concert. Target na dalhin rito ang ilang international artists, gaya ng Maroon 5 na pinamumunuan ng sikat na si Adam Lavigne at ibang Asian Artists.
Diin niya, patuloy an ang coordination meeting sa pagitan ng kanyang opisina at DOT 5 ukol dito. Layon nitong palaguin ang industriya ng turismo sa Bicol, upang makamit ang kanyang mithiin na gumuhit sa mapa ng mundo , ang rehiyon bilang Top Tourist Destination, hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo.
Susi ito, upang dayuhin ng maraming dayuhan at local na turista ang rehiyon. Magbubukas ito ng maraming trabaho para sa mga Bicolano, at maraming Negosyo.
Ayon naman kay DOT Bicol, Regional Director Herbie Aguas, excited siya sa paghost ng rehiyon sa nasabing festival. Sabi niya naiiba ito sa Hot Air Balloon sa Bansang Turkey dahil sa ang backdrop ang Bulkang Mayon, at Albay Gulf.
Lubos ang pasasalamat ng opisyal, sa AKO Bicol Solon, sa pagbibigay ng pondo sa festival at buong supurta sa DOT 5.
Tinuran nya, na kukunin rin ng kanyang tanggapan, ang tourism experts mula sa Clark, Pampanga, dahil sa taunang hosting nito ng hot air balloon festival, at kanilang head office. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay