2 transport group sa NCR na nagkusang magparehistro ng jeepney units, pinuri ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang dalawang transport groups sa Metro Manila matapos ang kanilang inisyatibo na iparehistro na ang mga jeepney units ng kanilang mga miyembro.

Ito’y sa gitna na rin ng inaasahang mas mahigpit na implementasyon ng “No Registration, No Travel” policy.

Ayon sa LTO, lumiham mismo ang lider ng transport group para sumailalim sa one-day registration ang nasa higit 40 jeepney units ng KARTUJODA Transport Cooperative sa Valenzuela at pati Dagat-Dagatan-Navotas Transport Cooperative.

Bukod sa registration, sinalang rin ang mga jeepney sa road worthiness inspection.

Para kay Asec. Mendoza, malaking bagay ang kooperasyon ng transport groups para mabawasan ang delinquent motor vehicles, lalo na sa pampublikong transportasyon.

Kasunod nito, hinikayat ng LTO ang iba pang mga transport group na makipagtulungan sa programa at agad na ring iparehistro ang kanilang mga unit.

“The LTO is ready to schedule a one-day registration and inspection for all their members in order to expedite the entire process which will also benefit their members dahil ang LTO na ang pupunta sa kanilang terminal at hindi na kailangang pumunta pa ang kani-kanilang miyembro sa aming mga opisina,” ani Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us