22 ektarya ng sakahan sa Zamboanga del Norte, apektado na ng El Niño — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng pinsala sa sektor ng pagsasaka dahil sa umiiral na El Niño phenomenon.

Batay sa inilabas nitong inisyal na assessment mula sa DA Regional Field Office IX, aabot na sa higit sa ₱700,000 ang nalugi sa mga sakahan sa Zamboanga del Norte.

Aabot kasi sa 22.25 na ektarya ng sakahan ng palay at 22 magsasaka ang naapektuhan na ng El Niño sa naturang lalawigan.

Mayorya sa mga napinsala ay nasa vegetative stage ng palay.

Kaugnay nito, puspusan naman ang mga ginagawang hakbang ng DA para matugunan ang epekto ng El Niño sa mga sakahan.

Kabilang dito ang pag-validate sa mga vulnerable areas at pagtukoy sa mga interventions sa mga magsasakang inaasahang maapektuhan.

Nagsasagawa na rin ng joint area assessment para sa cloud seeding operations.

Tinutulungan din ang mga magsasaka sa crop management sa panahon ng El Niño, kabilang ang pag-adjust sa planting schedules at fertilizer use. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us