Sa pinaigting na ‘Anti-Colorum Campaign’ ng Department of Transportation (DOTr).
Umabot sa 23 sasakyan ang nahuli sa operasyon na isingawa ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Paranaque City at Pasay City ngayong araw.
Ayon sa ulat ng SAICT-Special Operations Unit at Intelligence Monitoring and Evaluation Team, natiketan ang mga kolorum na sasakyan dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng obstruction, disregarding traffic signs, expired ang Certificate of Public Convenience, at ang iba ay binigyan ng temporary operator’s permit.
Tatlo naman sa mga nahuli sa operasyon ay nahatak ang sasakyan at dinala sa impounding area ng Land Transportation Office sa Quezon City.
Tiniyak ng DOTr katuwang ang SAICT, na palalakasin nto ang operasyon laban sa mga kolorum at sisiguraduhin ang roadworthiness ng mga pampublikong sasakyan sa iba’t ibang lugar sa bansa, para sa kaligtasan at maginhawang biyahe ng mga pasahero. | ulat ni Diane Lear