Maganda at epektibong transport system, nakikitang solusyon ni Pangulong Marcos sa grabeng traffic

Sa harap ng malalang lagay ng traffic lalo na sa Metro Manila, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maganda at epektibong transport system ang nakikita niyang remedyo para dito. Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na batid niya ang problema tungkol sa usad pagong na lagay ng trapiko at ayaw na aniya niyang… Continue reading Maganda at epektibong transport system, nakikitang solusyon ni Pangulong Marcos sa grabeng traffic

Pangulong Marcos Jr., iginiit na dapat maipaalam mabuti sa publiko ang bisyon ng Bagong Pilipinas na itinataguyod ng administrasyon

Nagpatawag ng meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng pagnanais nitong matiyak na maipaalam mabuti sa mamamayan ang bisyon ng Bagong Pilipinas na itinataguyod ng administrasyon. Ayon sa Pangulo, mahalaga na mabigyang-diin ang importansya ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at publiko upang ganap na maunawaan ang konsepto ng Bagong Pilipinas. Kaugnay… Continue reading Pangulong Marcos Jr., iginiit na dapat maipaalam mabuti sa publiko ang bisyon ng Bagong Pilipinas na itinataguyod ng administrasyon

Pamumuno sa multinational counter-piracy task force, isinalin ng Phil. Navy sa Brazilian Navy

Pormal na isinalin ni Philippine Navy Captain Mateo Carido ang kanyang tungkulin bilang Commander ng Counter Piracy Task Force (CTF) 151 kay Brazilian Navy Rear Adm. Antonio Braz de Souza. Ang Change of Command Ceremony ay isinagawa kahapon sa United States Navy Base sa Bahrain. Matagumpay na pinangasiwaan ng Philippine Navy Team na binibuo ng… Continue reading Pamumuno sa multinational counter-piracy task force, isinalin ng Phil. Navy sa Brazilian Navy

Update sa MATATAG Agenda, inaasahang matatalakay sa ikalawang Basic Education Report

Nakatakdang ihatid ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kaniyang ikalawang Basic Education Report bukas ng alas-3 ng hapon sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City. Ayon sa DepEd, inaasahang matatalakay ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Kagawaran ang mga update sa mga programa at proyekto sa ilalim ng MATATAG Agenda. Ito ay… Continue reading Update sa MATATAG Agenda, inaasahang matatalakay sa ikalawang Basic Education Report

Sentimyento ng sambayanan, ikukunsidersa ng pamahalaan sa pagbuo ng komprehsensibong national strategy sa West Philippine Sea – Sec. Año

Tiniyak ni National Security Adviser at National Security Council Chairman Secretary Eduardo Año na prioridad ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapakanan at seguridad ng mga mamayan sa pagresolba ng situasyon sa West Philippine Sea. Sa isang statement, sinabi ni Sec. Año na pakikinggan ng pamahalaan ang sentimyento ng mga mamamayan upang makabuo ng komprehensibong… Continue reading Sentimyento ng sambayanan, ikukunsidersa ng pamahalaan sa pagbuo ng komprehsensibong national strategy sa West Philippine Sea – Sec. Año

House panel Chair, tiwalang kakayaning matapos ang Charter reform bago ang Holy Week break

Sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments Chair at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na kakayaning tapusin ng Kamara at Senado ang Charter Change bago ang Holy Week break ng Kongreso. Welcome aniya ang pagbabago ng isip ng Senado nang ihain ang Resolution of Both Houses No. 6 para isulong na rin ang pag-amyenda… Continue reading House panel Chair, tiwalang kakayaning matapos ang Charter reform bago ang Holy Week break

Grupong PIRMA, bukas sa pag-iimbestiga sa mga lagda para sa People’s Initiative

Pabor ang grupong Pirma sa pagpasok ng mga awtoridad para mag-imbestiga sa mga nakalap na lagda ng grupo hinggil sa People’s Initiative. Sa Kapihan sa Manila Bay, ipinaliwanag ni Atty. Evaristo Gana ng Pirma na lumalabas kasi ngayon na sila ang dumedepensa hinggil sa mga alegasyon ng katiwalaan sa pagkalap ng lagda ng publiko. Aniya,… Continue reading Grupong PIRMA, bukas sa pag-iimbestiga sa mga lagda para sa People’s Initiative

Resolusyon para palawigin ang deadline ng PUV consolidation, pinagtibay ng House transpo panel

Pormal nang inaprubahan ng House Committee on Transportation ang isang resolusyon para hingin kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na irekunsidera ang January 31, 2024 deadline ng consolidation salig sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program. Matatandaan na una na itong iminosyon ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez noong nakaraang pagdinig ngunit hindi… Continue reading Resolusyon para palawigin ang deadline ng PUV consolidation, pinagtibay ng House transpo panel

Bagong Pambansang Pulisya para sa Bagong Pilipinas, pormal nang inilunsad

Pormal nang inilunsad ngayong araw ng Philippine National Police o PNP ang Bagong Pambansang Pulisya para sa Bagong Pilipinas. Pinangunahan ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr ang naturang programa kasama si National Advisory Group for Police Transformation and Development Chairperson at National Intelligence Coordinating Agency o NICA Dir/Gen. Ricardo de Leon. Sa kaniyang talumpati,… Continue reading Bagong Pambansang Pulisya para sa Bagong Pilipinas, pormal nang inilunsad

Online portals at apps, dapat gawing user-friendly para makakuha ng diskwento ang mga senior citizen, PWDs

Pinaaayos ng ilang mambabatas ang discount option at online portals ng mga establisyimento upang mas maging madali ang pag-avail ng mga senior citizen at PWD ng kanilang discount benefit. Ayon kay Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes, hindi dapat itinatago ng mga negosyo ang menu options para sa diskwento ng seniors at PWDs. Tinukoy nito… Continue reading Online portals at apps, dapat gawing user-friendly para makakuha ng diskwento ang mga senior citizen, PWDs