Utang ng PIlipinas, di dapat ikabahala — DOF Chief

Minaliit ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga alalahanin tungkol sa kasalukuyang utang ng bansa. Iginiit ni Recto, na ang pangunahing konsiderasyon ay ang kakayahang magbayad sa halip na tignan ang halaga ng utang. Pahayag ni Recto sa isang pulong-balitaan, ang mahalaga ay kayang bayaran ng gobyerno ang utang nito. Sa ngayon nasa ₱14.5-trillion na… Continue reading Utang ng PIlipinas, di dapat ikabahala — DOF Chief

Finance Sec. Ralph Recto, tiniyak na walang bagong buwis na ipatutupad ngayong taon

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto  na hindi magpapataw ng bagong  buwis ang gobierno ngayong taon. Ayon kay Recto, ang target niya ay  maayos at episyenteng  tax collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC). Sa press briefing na isinagawa ng kalihim sa BOC, binigyan-diin nito na kailangan i-optimize ng dalawang… Continue reading Finance Sec. Ralph Recto, tiniyak na walang bagong buwis na ipatutupad ngayong taon

Mga indibidwal na apektado ng shear line, higit 800,000 na — DSWD

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng shear line o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin. Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of January 25 ay umakyat pa sa 190,613 pamilya o katumbas ng higit 812,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa tatlong… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng shear line, higit 800,000 na — DSWD

Ala-ala ng Gallant 44, mananatiling inspirasyon ng SAF para sa kanilang pagtupad sa tungkulin

Walang kapantay ang ginawang sakripisyo at kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng kanilang buhay upang mapalaya ang bansa mula sa banta ng terorismo. Ito ang mensahe ni Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) Director, Police Major General Bernard Banac ngayong araw na ginugunita ang naging ala-ala ng… Continue reading Ala-ala ng Gallant 44, mananatiling inspirasyon ng SAF para sa kanilang pagtupad sa tungkulin

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina City Public Market, tumaas ng hanggang ₱6

Ramdam na agad ng ilang mga mamimili sa Marikina City Public Market ang paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin. Ito’y matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na umento sa apat na brand ng Sardinas, isang brand ng powdered milk, at apat na brand ng toilet soap. Sa pag-iikot ng… Continue reading Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Marikina City Public Market, tumaas ng hanggang ₱6

Halos 55K kilo ng gulay na katumbas ng P1.4-M nabili ng DA-R02 sa farmers’ cooperatives sa ilalim ng Rescue Buying Program

Umaabot na sa halos 55,000 kilos o nasa 1.4 million pesos na halaga ng highland vegetables ang naibenta ng Department of Agriculture Regional Field Office Number 02  sa pagpapatuloy ng Buying Rescue Program ng mga ito. Batay sa talaan ng DA RFO2, malaking bahagi nito o nasa mahigit 38,000 kilos ng repolyo, Chinese petchay at… Continue reading Halos 55K kilo ng gulay na katumbas ng P1.4-M nabili ng DA-R02 sa farmers’ cooperatives sa ilalim ng Rescue Buying Program

Exemption sa review fee ng mga board at bar examiners, ipinapanukala

Itinutulak ngayon ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo at apat pang mambabatas na huwag nang pagbayarin ang mga kuwalipikadong mahihirap na kukuha ng Board at Bar Examinations. Layon ng House Bill 9800 nina Tulfo, ACT-CIS Party-list Representatives Jocelyn Tulfo at Edvic Yap, Benguet Representative Eric Yap, at Quezon City Representative… Continue reading Exemption sa review fee ng mga board at bar examiners, ipinapanukala

Pinaigting na kampanya ng DepEd kontra bullying, welcome sa CHR

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinaigting na kampanya ng Department of Education (DepEd) kontra bullying. Partikular dito ang inisyatibo ng DepEd na sanayin ang mga guro at magulang sa pagtukoy ng “red flags” sa bullying sa kanilang mga estudyante at anak. Layon nitong matukoy ang mga estudyante na nangangailangan na ng intervention.… Continue reading Pinaigting na kampanya ng DepEd kontra bullying, welcome sa CHR

22 ektarya ng sakahan sa Zamboanga del Norte, apektado na ng El Niño — DA

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng pinsala sa sektor ng pagsasaka dahil sa umiiral na El Niño phenomenon. Batay sa inilabas nitong inisyal na assessment mula sa DA Regional Field Office IX, aabot na sa higit sa ₱700,000 ang nalugi sa mga sakahan sa Zamboanga del Norte. Aabot kasi sa 22.25 na ektarya… Continue reading 22 ektarya ng sakahan sa Zamboanga del Norte, apektado na ng El Niño — DA

609 mangingisda na apektado ng shear line sa Camarines Sur, tinulungan ng DSWD Bicol

Aabot sa mahigit 609 mangingisda mula sa Sipocot, Camarines Sur na apektado ng patuloy na nararanasang shear line sa buong rehiyong Bicol ang naabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development. Nag-abot ng family food packs ang DSWD Bicol sa mga residente ng Barangay Anib, Salvacion at San Vicente sa bayan ng Sipocot,… Continue reading 609 mangingisda na apektado ng shear line sa Camarines Sur, tinulungan ng DSWD Bicol