Speaker Romualdez, ayaw na patulan ang mga di magandang salitang ibinabato sa Kamara dahil sa charter change

Hindi na papatulan pa ni House Speaker Martin Romualdez ang mga hindi magandang salitang ibinabato sa kaniya at Kamara kaugnay sa isinusulong na Charter Change. Tugon ito ng House leader nang hingan ng reaksyon hinggil sa manifesto ng Senado na tumututol sa People’s Initiative (PI) at sinasabing siya ang nasa likod ng pangangalap ng pirma.… Continue reading Speaker Romualdez, ayaw na patulan ang mga di magandang salitang ibinabato sa Kamara dahil sa charter change

LTFRB, tatalima sa direktiba ni Pres. Marcos Jr. sa pagpapalawig ng franchise consolidation

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na susunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pagpapalawig ng franchise consolidation. Ito’y matapos ianunsyo ng Malacañan na pinagbigyan ng Pangulo na ma-extend pa ang consolidation ng tatlong buwan o hanggang sa April 30, 2024. Sa isang maikling pahayag, sinabi ni… Continue reading LTFRB, tatalima sa direktiba ni Pres. Marcos Jr. sa pagpapalawig ng franchise consolidation

Pagpapalawig sa franchise consolidation, pinaboran ng ilang jeepney driver sa QC

Walang problema sa ilang mga jeepney driver sa Quezon City ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ng tatlong buwan ang jeepney consolidation. Karamihan ng mga nakapanayam ng RP1 team sa Elliptical Road ay nakahabol sa consolidation noong Disyembre at may biyaheng Tandang Sora-City Hall. Ayon kay Mang Freddie, magandang balita… Continue reading Pagpapalawig sa franchise consolidation, pinaboran ng ilang jeepney driver sa QC

Pagsusulong ng People’s Initiative, kinuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada

Kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang timing ng People’s Initiative. Sa isang privilege speech, sinabi ni Estrada na kaduda-duda ang pagsusulong nito sa panahong nalalapit na ang midterm elections. Giniit pa ng senador na habang paulit-ulit na ipinaglalaban ng ating bansa ang soberanya sa karagatan, may ilan naman aniyang nagsusulong na maluwagan ang probisyon tungkol… Continue reading Pagsusulong ng People’s Initiative, kinuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada

Iba’t ibang unit ng PNP, ginunita at binigyang pugay ang naging kabayanihan ng tinaguriang Gallant 44

Naghandog ng kani-kanilang pagpupugay at paggunita ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) para sa natatanging kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF na nagbuwis ng buhay para sa bayan. Ito’y kaalinsabay ng ika-9 na anibersaryo ng kabayanihan ng tinaguriang SAF-44 at ika-7 National Day of Remembrance para sa… Continue reading Iba’t ibang unit ng PNP, ginunita at binigyang pugay ang naging kabayanihan ng tinaguriang Gallant 44

Transformative Education, susi sa pagtatamo ng ganap na kapayapaan — VP Sara Duterte

Inilatag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pitong mahahalagang puntos para maitaguyod ang Transformative Education para sa mga Pilipinong mag-aaral. Ito’y makaraang pangunahan ng Pangalawang Pangulo ang isang forum kaalinsabay ng International Day of Education para sa taong ito. Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni VP Sara ang kahalagahan ng pagbibigay ng dekalidad… Continue reading Transformative Education, susi sa pagtatamo ng ganap na kapayapaan — VP Sara Duterte

AFP Chief of Staff Challenge Shooting Competition, inilunsad sa Fort del Pilar, Baguio

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng AFP Chief of Staff Challenge Shooting Competition sa Forth Del Pilar, Baguio City kahapon. Kasama ni Gen. Brawner sa Opening Ceremony at Ceremonial Shoot si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Secretary Teng Mangudadatu, na naging… Continue reading AFP Chief of Staff Challenge Shooting Competition, inilunsad sa Fort del Pilar, Baguio