Tatlong pulis ang nasawi at apat ang sugatan sa operasyon laban sa mga miyembro ng armadong grupo sa Brgy. Mahayag, Sta Margarita, Samar kahapon ng umaga, Enero 30.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8 na nakarating sa Camp Crame, nagtangka ang mga pulis ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB8) na magsilbi ng warrant of arrest laban sa tatlong miyembro ng “Ampoan Criminal Group” na nauwi sa palitan ng putok.
Nasawi sa nangyaring bakbakan sina PSSg. Christian D. Tallo, PCpl. Eliazar D. Estrelles Jr. at PMSg. Paul Terence G. Paclibar.
Sugatan naman sina PCpl. Rannel P. Pedamato, PCpl. Mark Jason I. Sixta, Pat Ham Kritnere H. Capalis, at Pat. Mark C. Redoblado.
Naaresto sa operasyon ang apat na hindi pa nakikilalang suspek, at narekober isang M-16 Rifle at isang Caliber .45 pistol. | ulat ni Leo Sarne
📷: PRO 8