Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang katimugang bahagi ng Munisipalidad ng Adams, Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig alas-3:05 ng hapon.
Natukoy ang sentro ng lindol 17kms South West ng Adams, Ilocos Norte at may lalim na 8kms.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdamang ang intensity:
Intensity V- Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, at Paoay, Ilocos Norte
Intensity IV- Sinait, at Cabugao, Ilocos Sur
Instrumental Intensities:
Intensity VI- Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity IV- Laoag City, Ilocos Norte
Intensity II- Vigan City, Ilocos Sur
Intensity I- Gonzaga, Cagayan; Aringay, La Union
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks. | ulat ni Diane Lear