Patuloy pa ring nakakapagtala ang PHIVOLCS ng mga aftershocks sa bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.7 na lindol sa munisipalidad ng Saranggani kahapon.
As of 7am ay umakyat na sa 67 ang naitalang aftershocks.
Mula rito, 24 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Wala namang malakas na aftershock na naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula magnitude 2.4 hanggang 4.4.
Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang pinsala kundi mga aftershock lamang kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa