Pormal nang inilunsad ngayong araw ng Philippine National Police o PNP ang Bagong Pambansang Pulisya para sa Bagong Pilipinas.
Pinangunahan ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr ang naturang programa kasama si National Advisory Group for Police Transformation and Development Chairperson at National Intelligence Coordinating Agency o NICA Dir/Gen. Ricardo de Leon.
Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni de Leon na makakamit ng PNP ang tunay na pagbabago kung magmumula ito sa kanilang sariling hanay.
Kasunod nito, nanawagan naman si Gen. Acorda sa lahat nilang mga tauhan na magkaisa at iwaksi ang anumang pagtatangka ng pagkakawatak-watak.
Tiniyak din ni Acorda na kaisa ng Pamahalaan ang PNP para sa pagsusulong ng kaunlaran at pagkakaisa ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala