Binuksan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bagong breastfeeding station at kid’s play area sa pre-departure area ng Bohol-Panglao International Airport.
Ang naturang proyekto ay sa inisyatibo ng Gender and Development Committee ng naturang paliparan.
Ayon kay CAAP Area 7 Manager Atty. Rafael Tatlonghari, ang bagong karagdagang pasilidad ay magbibigay ng komportableng lugar para sa mga breastfeeding mother, at palaruan sa mga bata habang naghihintay ng flight sa kanilang pupuntahang destinasyon.
Maaari naman magtanong sa mga kawani ng paliparan upang magamit ang bagong mga pasilidad.
Tiniyak ng CAAP, na mas lalo nitong pagbubutihin ang mga serbisyo sa mga paliparan sa bansa.
Noong 2018, kinilala ang Bohol-Panglao International Airport bilang kauna-unahang eco-friendly airport sa bansa dahil sa paggamit ng solar panels sa nasabing paliparan. | ulat ni Diane Lear
Photos: CAAP