Iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagtaas sa 10. 47% ng Crime Clearance Efficiency (CCE) nito mula Enero hanggang Disyembre 2023.
Ang CCE ay ang identified suspects na kinasuhan sa direct at regular filing.
Kasabay nito ang pagtaas din ng Crime Solution Efficiency sa 5.44%.
Ang CSE ay ang mga arrested suspect na isinailalim sa inquest proceedings.
Higit pa rito, nagkaroon ng kapansin-pansin na pagbawas ng 5.75% sa may walong-focus crimes, na nagpapakita ng kapansin-pansing pagpapabuti kumpara sa nakaraang taon.
Sinabi ni QCPD Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, na ipinapakita nito ang bisa ng pinahusay na presensya ng pulisya, ang tatlong minutong response time at community engagement.
Buo din niyang ipinagmamalaki ang naging operational at administrative accomplishments ng QCPD mula Enero hanggang Disyembre 2023, na nagpapakita ng mga kapuri-puring achievements ng mga dedicated QCPD personnel.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni General Maranan ang QC LGU sa lahat ng ibinigay na suporta at paggabay sa QCPD na nakaambag ng malaki sa mga tagumpay na ito. | ulat ni Rey Ferrer