Pormal nang itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si Jerome Oliveros bilang Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance-Foreign Aid/Grants.
Pangangasiwaan ni Oliveros ang pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at proyektong pang-agrikultura na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga disadvantaged at cultural groups.
Alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing moderno ang sektor ng sakahan, pataasin ang produksyon ng pagkain, at mapabuti ang buhay ng milyun-milyong Pilipinong
magsasaka at mangingisda.
Si Oliveros, ang dating City administrator ng Bacoor, Cavite, ang mamumuno sa pagtukoy at koordinasyon ng mga panukala ng proyekto para sa mga posibleng grant/aid mula sa Official Development Assistance (ODA) o institutional donors at potential partners.
Nauna rito, pinangalanan ni Secretary Tiu Laurel si Drusila Esther Bayate, Undersecretary for Fisheries and for Policy, Planning and Regulation, bilang officer-in-charge ng Office of the Secretary sa kanyang opisyal na paglalakbay sa Vietnam sa Enero 28-31.| ulat ni Rey Ferrer