Bumisita at nagsagawa ng inspeksyon kamakailan si Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Taguig City.
Ayon sa kalihim, bahagi ito ng kaniyang plano na pag-iinstall ng karagdagang cold storage facilities para sa high-value produce at iba pang pananim.
Sa pamamagitan nito, nais nitong matugunan ang overproduction na hamon ngayon sa ilang magsasaka gaya sa Benguet.
Inaasahang mababawasan rin nito ang post-harvest losses sa iba’t ibang sakahan sa bansa.
Una nang sinabi ng DA na tuloy-tuloy ang ginagawa nitong market linkage para matugunan ang overproduction ng gulay gaya ng repolyo sa ilang lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa