Kinumpirma ng Department of Agriculture na tinamaan na rin ng African Swine Fever (ASF) ang dalawang bayan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, batay sa impormasyon mula sa Bureau of Animal Industry, naitala ang kaso ng ASF sa mga bayan ng Santa Cruz at San Jose.
Agad naman aniyang kumilos ang BAI na nagsagawa na ng depopulation at mas mahigpit na biosecurity measures mula Enero 11-13.
Katunayan, nasa 41 baboy aniya ang na-cull sa San Jose habang dalawang baboy rin ang na-depopulate sa Santa Cruz upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.
Sa ngayon, itinuturing ng DA na “under control” na ang sitwasyon sa dalawang bayan ng Occidental Mindoro.
Nagpapatuloy naman aniya ang imbestigasyon sa kung paano nakapasok ang ASF sa naturang lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa