Malamig si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa itinutulak na People’s Initiative ng ilang mambabatas para palitan ang Saligang Batas.
Aniya may mga ulat na sinisimulan umano ni PBA Party-list Representative Margarita “Migs” Nograles ang PI movement sa Davao.
Aniya hindi ito tunay na boses ng publiko.
Nang hingan ng reaksyon si Nograles ukol dito, sinabi ng kaniyang tanggapan na nasa Estados Unidos ang mambabatas.
Pinayuhan naman ni Duterte ang mga residente ng Davao na huwag ipagbili ang kanilang boto.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman na may kapalit na ₱100 ang kada pipirma para sa PI sa ipinatawag na pulong para sa mga alkalde ng Albay.
Gayunman, pinabulaanan ito League of Municipalities Albay Chapter President at Albay Mayor Raymond Adrian Salceda na dumalo sa pulong kasama ang iba pang alkalde at ni dating House Committee on Constitutional Amendments Chair Alfredo Garbin Jr. na siyang nagpaliwanag sa proseso ng PI. | ulat ni Kathleen Jean Forbes