Nag-abiso ang Malabon Local Government na hanggang sa katapusan ng Marso (Marso 31, 2024) maaaring magbayad ng real property tax o amilyar sa lungsod para sa unang quarter ng taon.
Ayon sa LGU, may apat na opsyon ang mga taxpayer para makapagbayad ng amilyar.
Kabilang dito ang mga sumusuond:
1. Cash Payment (City Treasury Department, 3rd floor, Malabon City Hall)
2. LandBank Linkbiz Portal
3. Bank Transfer
4. Land Bank Cash Deposit
Kung pipiliin magbayad gamit ang pangatlo o pang-apat opsyon, ipadala ang katunayan ng inyong binayaran sa [email protected] para ito ay maberipika sa kanilang bank record.
Pinapaalalahanan naman ang mga residente na magbayad sa takdang araw para maiwasan ang dagdag interest o penalty at makaiwas sa mahabang pila. | ulat ni Merry Ann Bastasa