Magkatuwang ang programa ng Department of Social Welfare and Development na “Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan -Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services “o KALAHI-CIDSS at programa ng Department of the Interior and Local Government na “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan” o KALINISAN Program sa pagpapalawig ng ‘environmental responsibility’ sa bansa.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga programa ng DSWD at DILG ay naglalayon ng masigasig na pakikilahok ng mga lokal na komunidad para sa implementasyon ng solid waste management at iba pang ecological practices.
Sa nasabing partnership, pagsasamahin ang mga component ng KALAHI-CIDSS at KALINISAN Program upang maisakatuparan ng maayos ang programa.
Kasama na dito ang community participation, capacity building, at government collaboration.
Sa panig naman ng community participation, prayoridad ng DSWD at DILG ang partisipasyon ng komunidad para sa environmental initiative. | ulat ni Rey Ferrer
đŸ“·: DSWD MIMAROPA