Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng shearline sa Northern Samar noong Nobyembre 2023.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang bigay na tulong ay ginawa sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program.
Mahigit Php 11 million ang naipamahagi na sa may 3,844 benepisyaryo.
Magpapatuloy ang distribusyon ng cash aid ng DSWD Eastern Visayas Field Office hanggang maabot nito ang target na higit 100,000 benepisyaryo.
Samantala, may 1,186 na pamilya din sa Hinatuan at Barobo sa Surigao del Sur ang pinagkalooban ng pinansyal na tulong ng DSWD Caraga Region.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng tig Php 12,510.
Kabilang ang mga pamilya na naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol noong Disyambre 2 ng nakalipas na taon.| ulat ni Rey Ferrer