DSWD, nangakong palalakasin pa ang pagsisikap upang labanan ang kagutuman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa kabila ng patuloy na pagsisikap nito ay kailangan pa rin ng innovative strategies na tutugon sa problema ng kagutuman sa bansa.

Ito ay matapos na lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na bahagyang tumaas ang involuntary hunger incidence sa bansa sa huling quarter ng 2023.

Batay sa datos, tumaas ito mula sa 9.8% noong Setyembre 2023 hanggang 12.6% ng Disyembre ng pagtatapos na taon.

Ayon sa SWS survey maliban sa Metro Manila, mapapansin na umakyat ang hunger incidence sa iba’t ibang panig ng lugar sa bansa.

Sinabi ni Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang Food Stamp Program ay naglalayon na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain.

Matatandaan na nito lamang October 12, 2023 nag-isyu ang Malacañang ng Executive Order (EO) No. 44, para sa pagtatatag ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program. Ito ay isa sa flagship program ng Marcos Administration. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us