Tinutukan nina DSWD Sec. Rex Gatchalian at Usec. Edu Punay ang ikinasang registration at community validation para sa mga benepisyaryo ng ‘Walang Gutom 2027 Food Stamp Program’ sa Barangay Payatas, Quezon City.
Bahagi pa rin ito ng pinalalawak na implementasyon ng programa na layong wakasan ang ‘involuntary hunger’ at malnutrisyon ng mga kapos-palad sa pamamagitan ng pagbibigay ng food assistance.
Nakasama rin sa aktibidad sina DSWD Asec. Baldr Bringas, DBP President Michael de Jesus, at si USSC President Eckie Gonzales.
Ayon sa DSWD, tinitingnan din ng kagawaran ang interoperability sa prospective program partners sa programa.
Una nang inihayag ni DSWD Usec. Punay na simula ngayong 2024 ay palalawakin na sa 3,000 household ang benepisyaryo ng Food Stamp Program sa 5 pilot sites kabilang ang Tondo, Maynila, San Mariano sa Isabela, Garchitorena sa Camarines Sur, Dapa sa Siargao at Parang sa Maguindanao. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD