Ipinatupad na istratehiya ng pamahalaan nitong 2023 sa panghahatak ng foreign investors sa bansa, ipagpapatuloy ngayong 2024

Ipagpapatuloy ng Marcos Administration ngayong 2024 ang ginawa nitong pag-target sa mga high value investment papasok ng bansa, sa nakalipas na taon. Kung matatandaan nitong 2023, pumalo sa higit Php1 trillion ang investment approvals na naitala ng Board of Investment (BOI) mula sa mga nagdaang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Bagong Pilipinas… Continue reading Ipinatupad na istratehiya ng pamahalaan nitong 2023 sa panghahatak ng foreign investors sa bansa, ipagpapatuloy ngayong 2024

House Appropriations Committee Chair, umalma sa pahayag na dinagdagan ang pondo ng COMELEC para gamitin sa Cha-Cha

Umalma si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang P12 billion na dagdag sa budget ng COMELEC ngayong 2024 ay gagamitin para sa charter change. Ayon kay Co ang naturang halaga ay idinagdag ng Kongreso matapos hilingin ng poll body na maitaas ang kanilang pondo na tinapyasan… Continue reading House Appropriations Committee Chair, umalma sa pahayag na dinagdagan ang pondo ng COMELEC para gamitin sa Cha-Cha

Mahigit 15,000 mag-aaral sa Luzon, natulungan ng Meralco

Umabot sa mahigit 15,000 mag-aaral ang natulungan ng Manila Electric Company (Meralco) sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon. Ayon sa Meralco, umabot sa P1.5 milyong ang halaga ng mga printer, hygiene kits, at school kits ang kanilang naipamahagi sa mga estudyante sa ilalim ng back-to-school program. Katuwang ng Meralco sa nasabing programa ang ilang local… Continue reading Mahigit 15,000 mag-aaral sa Luzon, natulungan ng Meralco

500 magsasaka sa South Cotabato, binigyan ng financial assistance ng DOLE dahil sa epekto ng mild El Niño

Nasa 500 magsasaka na puno ng dedikasyon sa South Cotabato ang nakatanggap ng kanilang labis na kinakailangang financial assistance na nagkahalaga ng tig P7,800.00 mula sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Inirekomenda ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa Public Employment Service Office (PESO) ang listahan ng mga magsasaka na… Continue reading 500 magsasaka sa South Cotabato, binigyan ng financial assistance ng DOLE dahil sa epekto ng mild El Niño

Signature campaign pabor sa chacha na may kapalit na bayad, tinuligsa ni Sen. Jinggoy Estrada

Iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na dapat imbestigahan at panagutin ang sinumang nasa likod ng kwestiyonableng pagsusulong ng amyenda sa konstitusyon. Tinutukoy ng senador ang napaulat na pangangalap ng pirma mula sa taumbayan at pag-aalok ng P100 sa bawat pirma pabor sa isinusulong na charter change (chacha). Ayon kay Estrada, unethical at ilegal ang naturang… Continue reading Signature campaign pabor sa chacha na may kapalit na bayad, tinuligsa ni Sen. Jinggoy Estrada

Mas kaunting bilang ng bagyo, asahan ngayong 2024, dahil sa El Nino, ayon sa pamahalaan

Nasa 13 hanggang 19 na bagyo lamang ang tinataya ng PAGASA na papasok sa Pilipinas ngayong 2024, sa gitna ng epekto ng El Niño. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGASA Assistant Weather Services Chief Ana Solis na mas mababa ang bilang na ito, kumpara sa 19 hanggang 20 bagyo na karaniwang dumaraan sa Pilipinas,… Continue reading Mas kaunting bilang ng bagyo, asahan ngayong 2024, dahil sa El Nino, ayon sa pamahalaan

Indonesian President Joko Widodo, dumating na sa Pilipinas

Eksakto 8:05 ngayong gabi (January 9), lumapag sa Villamor Airbase ang eroplanong sinasakyan ni Indonesian President Joko Widodo, para sa tatlong araw na opisyal na pagbisita sa Pilipinas. Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng Indonesian President ay sina OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., Philippine Ambassador to Indonesia Gina Jamoralin, Chief Presidential Protocol Reichel Quiñones.… Continue reading Indonesian President Joko Widodo, dumating na sa Pilipinas

PCG, walang naitalang maritime-related incident sa Traslacion 2024

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala itong naitalang maritime-related incident sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno sa Maynila. Ito ay matapos na magsagawa ang PCG District National Capital Region-Central Luzon ng maritime patrol operations at land-based security measures pati na ang pagpapatupad ng health protocols sa pagdaraos ng Traslacion 2024. Kabilang… Continue reading PCG, walang naitalang maritime-related incident sa Traslacion 2024

Mga empleyado ng Senado, maagang pinauwi dahil sa Traslacion

Maagang pinauwi ngayong hapon ang mga empleyado ng Senado. Sa ipinalabas na advisory ni Senate Secretary Renato Bantug, nakasaad na iniutos ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hanggang kaninang lang alas-2:00 ng hapon ang pasok ng Senate employees. Sa kabila nito, ang mga may committee hearing, technical working group at iba pang mga meeting… Continue reading Mga empleyado ng Senado, maagang pinauwi dahil sa Traslacion

DA, bumuo ng Technical Working Group paramapatatag ang presyo ng bilihin

Bumuo na ng isang Technical Working Group (TWG) ang Department of Agriculture (DA) na inatasang bumalangkas ng mga alituntunin at regulasyon para ipatupad ang Seksyon 9 ng Price Act na may kaugnayan sa mga produktong pang-agrikultura. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang Price Act, o Republic Act 7581, ay pinagtibay upang patatagin… Continue reading DA, bumuo ng Technical Working Group paramapatatag ang presyo ng bilihin