Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay sa nangyaring malawakang brownout sa buong Isla ng Panay na nagsimula kahapon ng hapon.
Kasunod nito, inihayag ng Department of Energy (DOE) na kumikilos na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para tiyaking maibabalik sa takdang panahon ang suplay ng kuryente sa lugar.
Dagdag pa ng DOE, puspusan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa NGCP hinggil sa pinakahuling update hinggil sa ginagawa nitong power restoration. | ulat ni Jaymark Dagala