Patunay ang Pista ng Itim na Nazareno sa tindi at tibay ng panamampalataya ng mga Katolikong Pilipino.
Sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos. Jr. sa kaniyang Facebook account, sinabi nitong isang testamento ang ‘Feast of the Black Nazarene’ sa aniya’y hindi matatawarang pananalig ng mga Katoliko sa Pilipinas.
Sana, sabi ng Pangulo ay makabuo ng lipunang may katarungan at malasakit ang ganitong inuukol na pagpapahalaga at paggalang sa Itim na Nazareno.
Gayundin, ng isang bagong Pilipinas na naglalarawan sa halaga ng pagkakaisa, pag-unawa, at progreso para sa lahat ng mamamayan.
Sa paunang mensahe ng Pangulo para sa Pista ng Black Nazarene ay hinikayat nito ang mga mananampalataya na palalimin pa ang kanilang koneksyon sa Diyos at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, at habag para sa mga Pilipino at sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar