Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng mga opisyales ng Estados Unidos ang matibay na commitment ng Pilipinas upang espesyal na i-welcome sa bansa ang mga potential American investors.
Ito ang mensahe ni Recto sa kanyang pulong kasama ang ilang US officials na pinangungunahan ni Treasury Department Deputy Assistant Secretary for Asia Robert Kaproth.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang bansa ang mga hakbang upang lalo pang pagtibayin ang economic and investment cooperation kabilang na ang free trade agreement at strong military ties.
Ibinahagi rin ni Recto ang pagsisikap ng gobyerno upang tugunan ang mga concerns ng mga investors gaya ng mga reporma sa batas upang bigyan daan ang “ease of doing business” sa Pilipinas.
Kabilang din sa kanyang tinalakay ang pinaghusay na PPP framework at ang Infrastructure Flagship Project ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Siniguro din ng kalihim sa partnership ng Pilipinas at America ang bukas na komunikasyon ng dalawang bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes