Ipinagmalaki ng Quezon City Police District (QCPD) ang naitalang malaking pagbaba sa focus crimes na naitala sa lungsod.
Batay sa datos ng QCPD, bumaba sa 47.47% ang walong Focus Crimes sa Quezon City mula January 15-22, 2024 o katumbas ng 20 insidente lamang.
Kabilang sa walong Focus Crimes ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery, at homicide.
Bukod dito, bumaba rin ng 50% ang naitalang street crimes sa lungsod sa kaparehong period.
Habang umabot naman sa 75% ang Crime Solution Efficiency (CSE) ng QCPD.
Ayon sa QCPD, bunsod ito ng pinaigting na Police visibiity ng mga personnel nito partikular na ang Task Force-District Anti-Crime Response Team at bike patrollers.
Patunay rin aniya ito ng dedikasyon at pinaigting na kampanya ng Pulisya sa lahat ng uri ng kriminalidad.
“I am delighted to share these accomplishments with our fellow QCitizens. Through our intensified efforts in anti-criminality operations, enhanced police presence, and the cooperation of the public, we can ensure round-the-clock safety in Quezon City. The entire force of QCPD remains vigilant in every corner of our community to guarantee the well-being of each citizen and provide them with the services they rightfully deserve,” pahayag ni Police Brig. Gen. Redrico Maranan. | ulat ni Merry Ann Bastasa